No match daw kay Alex na bentang-benta sa YouTube… HIRIT NG NETIZENS: JESSY, OA NA, TRYING HARD PA!

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

TRENDING ngayon sa social media ang bagong YouTube video ng aktres na si Jessy Mendiola kung saan ay nagbasa siya ng mga mean comments mula sa mga netizens habang nagluluto ng tinola.
Aminado si Jessy na ang mga komento na “mataba” at “malaki ang hita” ang ilan sa mga palagi niyang nababasang hate comments mula sa kanyang mga kritiko.
Kaya ang sagot dito ni Jessy, “Hindi parang, malaki talaga siya, guys. Ganu’n talaga ‘yung thighs ko, eh, kasi Lebanese ako at normal sa amin ‘yun na malalaki ang aming mga balakang, ang aming mga hita.”
Binasa rin at sinagot ni Jessy ang comment na, “Ang OA mo, Jessy.”
Aniya, “Okay lang naman na sabihan mo akong OA pero sana, ma-realize mo na minsan ‘yun lang din ang trabaho namin. Kahit pagod na pagod na kami, kahit hindi kami madaldal na tao, kailangan naming maging OA kasi siyempre ‘yung mga manonood, mabo-bore sila kapag pinanood nila kami, tapos hindi namin tina-try ang best namin.”
Sa huli, may iniwang mensahe si Jessy sa mga tao sa social media.
Aniya, “Gusto ko lang sabihin na instead of spreading hate, let’s spread kindness and love, ‘di ba? Parang better ’yun, eh. Okay lang na gumawa kayo ng multiple accounts basta positivity ang ini-spread n’yo.”
Gayunman, mukhang hindi pa rin naging mabenta sa mga netizens ang ginawang pagba-vlog ni Jessy dahil puno pa rin ng negative comments ang kanyang social media posts.
May mga netizens kasi na nagsasabi na sa vlog na lang diumano bumabawi si Jessy dahil hindi na siya mabenta sa mga teleserye at movies.
Naobserbahan din daw ng ilang netizens na parang pilit ang personality na ipinapakita ng aktres sa kanyang vlog, na tila trying hard si Jessy maging likeable ‘di kagaya ng ibang YouTubers na natural lang na ginagawa ang pagpapatawa tulad ni Alex Gonzaga na naging mabentang-mabenta sa madlang pipol.
May mga nagsabi rin na mukhang pinipilit lang ni Jessy na maging nakakatawa para magustuhan uli ng mga manonood.
Ayon pa sa ilang netizens, kulang ang oras ng pagluluto ni Jessy ng tinola sa dami ng mga hate comments na natatanggap niya mula sa mga netizens.





Comments