top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nakaharap sa mangkukulam

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Dim Cy ng Dim_Cy@facecbook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin nang nanaginip ako ng mang­kukulam? Sa pana­ginip ko, ako ay nakaharap sa mangku­kulam.

Salamat!

Naghihintay,

Dim Cy

Sa iyo Dim Cy,

Ang nakaharap ba sa iyo sa panaginip mo ay payat na babae, mahaba ang buhok at leeg, malaki ang bibig, mahaba ang mga daliri at may katangkaran?

Ganyan inilalarawan ang mga katangian ng mangkukulam ng mga dakilang alagad ng sining sa larangan ng pagguhit.

Imagine-nin mo, iha, ganyan nga ba? Oo, ang maaaring isagot mo.

Gayunman, pagmasdan mo ang litrato ng mga itinanghal na nanalo sa mga beauty pageant, worldwide. Mapapansin mo, matatangkad din sila, payat, mahaba ang buhok at marami pang iba.

Ito ay nagsasabing in every woman, there is a witch within, kumbaga, lahat ng babae ay puwedeng maging mangkukulam, lalo na sa mga kondisyon tulad ng mga sumusunod:

1. Pinaghaharian ng selos at inggit. Maganda ka ba, Dim Cy? Panigurado na oo ang isasagot mo. Kaya ang panaginip mo ay nagsasabing may babaeng maganda rin tulad mo, pero nagseselos at inggit ka sa kagandahan niya.

2. Pinaghaharian ka ng lungkot. Masaya ka ba at ang mga post mo ba sa social media ay puro masaya lang? Ayon sa panaginip mo, oo ang iyong sagot. Kaya ang iyong panaginip ay nagsasabing, ang mga kaibigan mo ay nakararanas ng malungkot na buhay.

Kaya ang payo ng panaginip, mag-ingat ka dahil ang matinding selos ay maaaring makagawa ng mga bagay na hindi maganda.

Talaga bang payat ang mangku­kulam? Wala bang matabang mangkukulam? Ang sagot, mayroon. Sino kaya sila at paano sila makikilala?

Ang totoo, mahirap silang matu­koy, pero kung pagsisikapan silang kilalanin ay puwede rin naman. Sila ‘yung mga babaeng matataba, pero ang taba nila ay nasa bahagi ng kanilang tiyan at mga hita.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page