MAINIT ANG KAMAY NI NIEMER, TUSTADO SA BLAZE ANG HD SPIKERS


TINAPOS ng nagbabagang laro ng Petron Blaze Spikers ang unang round nang tustahin ang Cignal, 25-15, 2519, 25-14 sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa Muntinlupa Sports Center.
Sa mainit na mga kamay ni American import Stephanie Niemer naging malakas ang simula at pagtatapos ng Blaze Spikers sa laban tungo sa nakakukumbinsing panalo sa prestihiyosong women’s club league na isinaere ng ESPN5 at 5Plus.
Sa pakay ni Niemer ng unang PSL crown, nagpakawala ito ng 18 kills, 1 block at 4 aces para tapusin sa game-high 23 points ang Blaze Spikers na tinuldukan ang 1st round ng preliminaries sa perpektong 7-0 win-loss na marka.
Impresibo rin si Kath Bell sa natibag na 19 points habang si Aiza-Maizo-Pontillas at Remy Palma ay may tig-5 puntos sa Blaze na tagumpay ang trabaho sa 66 minutong aksiyon. “I think we did a good job, but it doesn’t end here,” ayon kay Petron coach Shaq Delos Santos, na nabigyan ng bagong appointment bilang head coach ng national women’s volleyball team para sa SEAG 2019.
“It’s a good thing if we can maintain our winning streak. But we still have to step up if we want to remain undefeated in this very tough tourney,” saad ni Delos Santos kina Niemer at Bell bunga ng magiting na laro mula simula hanggang dulo kaya naging mas madali rin sa locals ang laro lalo na sa pahirapang yugto.
“It’s really proud of our imports, they’re very dedicated and very professional,” ani Delos Santos. “Kath is actually playing despite having a flu. I was expecting her not to play but she still gave her best.”
Nag-iisang binalikat ni Erica Wilson ang laban ng HD Spikers sa 13 puntos na tumapos na may 4-3 win-loss slate sa first round. Sisimulan ng Blaze Spikers ang second round campaign sa pagsagupa sa malamya na ring Foton sa Martes sa FilOil Flying V Centre. (VA/MC)





Comments