Lola lasog sa oil tanker

NASAGASAAN at nagulungan ang 71-anyos na lolang pedestrian na nasawi matapos pumailalim sa pagitan ng gulong ng oil tanker trailer sa EDSA-Roxas Boulevard, Pasay City nitong Biyernes ng hapon.
Dead-on-the-spot si Florida Masangya, ng Bgy. Baclaran, Parañaque City.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Noel Locero Francisco, driver ng oil tanker trailer ng Malabon Oil Industrial Company na may plakang UUP 872.
Base sa report ng Pasay City Traffic Bureau, naganap ang insidente, alas-4:00 kamakalawa ng hapon sa northbound lane ng EDSA-Roxas Boulevard.
Papatawid umano ang biktima nang masagasaan ito at magulungan ng naturang oil tanker na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.





Comments