Isa pang pinay, natagpuang patay
- Jersey Sanchez
- Mar 10, 2019
- 1 min read
PATULOY na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Pacifica City, San Mateo County, California, USA.
Kinilala ang nasawi na si Ana Marie Alba, 39.
Ayon sa kapatid ng biktima na si Joseph Alba, lubos na nagdadalamhati ang kanilang pamilya sa nangyari kay Ana Marie. Gayunman, kasalukuyang nagsasagawa ng online fund raising activity ang pamilya ng biktima para maiuwi sa bansa ang bangkay nito.
Base sa imbestigasyon ng Pacifica Department, lumalabas na murder-suicide ang ikinasawi ni Alba kabilang ang isa pang biktima na nakilalang si Johny Tu, 31, na natagpuang patay sa loob ng naturang lugar.





Comments