Ibinulgar ng AFP | E.U. AT BELGIUM NAKAPAGPONDO SA NGO NA FRONT NG CPP-NPA

IBINUNYAG ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang European Union (EU) at Belgium ang nasa likod ng umano’y pagpopondo sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pamamagitan ng front nitong ilang Non-Government Organizations (NGO’s).
Ito ang kinumpirma ni AFP Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations Brig. General Antonio Parlade, Jr., na mismong mga opisyal ng EU at pamahalaan ng Belgium ang nagkumpirma sa pagtulong sa ilang NGO sa bansa.
Sila na rin umano ang nagsabi na agad nilang ititigil ang pagbibigay ng pondo sa ilang NGO makaraan ang ginagawang evaluation dahil sa ibinigay sa kanilang ulat ng militar.
Ilang opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang nakapulong kamakailan ng mga kinatawan ng Belgium at EU.
Posible umanong inakala ng EU at Belgian government na mga lehitimong grupo sa bansa ang kanilang kaugnayan pero, lingid sa kanilang kaalaman na front organizations ang mga ito ng komunistang grupo.





Comments