top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Electrician timbog sa baril, granada at shabu

Maeng Santos
Mar 10, 2019
1 min read

ISA umanong notoryus na drug suspect at sangkot sa panghoholdap ang naaresto matapos salakayin ng mga awtoridad ang kanyang bahay kung saan nakumpiska ang baril, granada, mga bala at shabu sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Restituto Arcangel ang naarestong suspek na si Ramon Meraña alyas Jonjon Barok, 43, electrician, ng Bgy. 77.

Ayon kay Station Intelligence Branch Chief Insp. Jonathan Olvena, alas-2:10 ng hapon nang salakayin ng mga operatiba ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Caloocan Regional Trial Court Executive Judge Remigio Escalada, Jr. ng Branch 123 sa paglabag sa R.A. 10591 base sa reklamo ng kanyang mga kapitbahay dahil sa pagpapaputok nito ng baril lalo na kapag nalalasing.

Narekober ng raiding team sa bahay ng suspek ang cal. 45 pitol na may magazine at anim na bala, cal. 38 revolver na may anim na bala, isang granada, tatlong packs ng hinihinalang shabu at sari-saring identification cards ng iba’t ibang tao.

Ani Chief Insp. Olvena, kamakailan nang sinugod ng suspek ang kapitan ng Bgy. 77 na naging dahilan upang sampahan ito ng kasong assault upon a person in authority sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page