Dahil sa El Niño | MASISIRANG PRODUKSYON NG PAGKAIN, AABUTIN NG P100 MILYON – DA
- V. Reyes
- Mar 10, 2019
- 1 min read

MAAARING pumalo sa P100 milyon o higit pa ang halaga ng masisirang produksiyon sa sektor ng agrikultura dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Batay sa pagtataya ni Department of Agriculture Chief of Field Program Operational Planning Division Christopher Morales, maaaring abutin ng 10,000 metric tons ng bigas at mais ang masasayang lang dahil sa tagtuyot.
Kabilang aniya sa mga lalawigang mahigpit na mino-monitor ang Cotabato, Occidental Mindoro, buong Zamboanga Peninsula, Maguindanao, Misamis Occidental at Davao del Sur.
Gayunman, nilinaw ng opisyal na noong Nobyembre ng nakaraang taon pa nila napaghandaan ang El Niño.





Comments