Bawas-tax sa historical film
- Gina Pleñago
- Mar 10, 2019
- 1 min read

INIHIHIRIT ang pagbawas o pagtanggal ng buwis sa mga pelikulang may “high cultural and historical value” upang higit na hikayatin ang paglikha ng mga de-kalidad na pelikulang susulong sa pagiging makabayan ng mga Pilipino.
Ayon kay Jiggy Manicad, ginagawa na ito sa mga bansa tulad ng Ireland. Kailangang pumasa sa isang “cultural test” ang mga pelikulang ipagpapaliban sa pagbubuwis.
Ang tax breaks o cuts na maaaring ibigay sa mga nasabing pelikula ay magbibigay-daan sa mas malaking budget para sa produksiyon.
Samantala, karamihan pa rin umano ng mga hit na historical film ay mula sa mga independent production company.
Isinusulong din ang “culture hour” sa telebisyon na may layuning payamanin ang pagkakaintindihan sa mga Pilipinong may iba’t ibang kultura at relihiyon. Ang mga nasabing panukala ay magdudulot ng mga benepisyo hindi lamang sa kultura at kasaysayan kundi sa ekonomiya ng bansa.





Comments