AFP in-ambush ng NPA, 5 sapol

LIMANG sundalo ang sugatan matapos pagbabarilin ang kanilang sasakyan ng pinaniniwalaang rebelde sa Sitio Little Baguio, Bgy. Magsaysay, Infanta, Quezon.
Pasado alas-8:00 ng umaga, nagpapatrulya ang tropa ng gobyerno kasama ang Special Action Force ng pulisya sa pamumuno ni Lt. Cindog, nang atakihin sila ng hindi pa mabilang na rebelde. Nasapol sa engkuwentro sina Cpl. Astoveza, Cpl. Narciso, Cpl. Gasagas, Pvt. Telan at si Pvt. Bistora.
Tumagal ng halos 20 minuto ang barilan hanggang sa tuluyang tumakas sa bulubunduking lugar ang mga rebelde.
Agad namang isinugod sa pagamutan ang sugatang sundalo at patuloy na ang isinasagawang pagtugis sa mga terorista.





Comments