top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

500k katao, nagprotesta laban sa pangulo ng algeria

  • Jersey Sanchez
  • Mar 10, 2019
  • 1 min read

DUMAGSA ang libu-libong mamamayan na nananawa­gang mahinto na ang dalawang dekadang pamumuno ni President Abdelaziz Bouteflika sa Algiers, Algeria.

Ayon sa awtoridad, tinatayang nasa 500,000 katao ang dumalo sa naturang kilos-protesta kung saan ito na umano ang ikatlo at pinakamalaking protesta laban sa presidente.

Kinukuwestiyon ng mamamayan ang kakayahan ni Bouteflika na tumakbo para sa ikalimang termino sa halalan na magaganap sa susunod na buwan.

Matatandaang, 1999 nang umupo ang presidente sa puwesto ngunit, hindi nakikita ng publiko mula nang ma-stroke ito noong 2013.

Gayunman, naging mapayapa ang protesta kung saan may dalang placards ng kanilang mga mensahe, performance at pagwawagayway ng Algerian flags.

Samantala, bukod sa protestang naganap sa Algiers, nagsagawa rin ng kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa na sinuportahan ng higit 15 opposition parties at unions.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page