Tserman niratrat ng riding-in-tandem, utas

PATAY ang isang barangay chairman sa pananambang sa Isabela City, Basilan, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Jimnu Ladja Hamad, kapitan ng Bgy. Marang-Marang, Isabela City.
Ayon kay Police Staff Sgt. Joseph Ryan Jalon, pauwi na ang biktima sakay ng kotse nang barilin ng isa sa mga angkas sa motorsiklo.
Napuruhan sa ulo ang biktima dahilan para agad itong bawian ng buhay.
Nakuha sa crime scene ang isang basyo ng kalibre .45 na baril.
Patuloy pang inaalam ang motibo sa krimen habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.





Comments