top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pulis huli sa aktong nagsa-shabu

Mylene Alfonso
Mar 9, 2019
1 min read

TIMBOG ang aktibong pulis-Maynila na umano’y nagtutulak at gumagamit ng shabu, kamakalawa ng gabi sa loob ng apartment sa Calabash St., Sampaloc, Manila.

Nasa kustodiya ng NCRPO-RDEU, ang suspek na si PO1 Ferdinand Rafael, 52, nakatalaga sa District Admin Holding Unit ng MPD.

Alas-11:00 ng gabi nang maaresto si Rafael sa naturang lugar.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad kaugnay sa iligal na aktibidad ng suspek dahilan para isailalim ito sa surveillance.

Nakunan din ng video ang naturang pulis na bumabatak ng shabu.

Matapos ang isinagawang buy-bust operation, narekober sa suspek ang 11 sachets ng shabu na nasa 15 gramo na nagkakahalagang P102,000, digital weighing scale, drug paraphernalias at buy-bust money na P1,000.

Sa impormasyong nakuha, nalaman na nag-AWOL na umano ang naturang pulis pero, muling nakabalik sa serbisyo.

Kapwa naman nakapagpigil sina NCRPO Director General Guillermo Eleazar at MPD Director PGeneral Vicente Danao at hindi nasaktan ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page