top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para sa mga masyadong conscious diyan sa kanilang pangangatawan, read n’yo ‘to!  TIPS PARA GUMANDA A

  • Donna Thea Topacio
  • Mar 9, 2019
  • 2 min read

No Problem

‘IKA nga nila, aanhin mo ang magandang mukha kung ikaw ay kukuba-kuba? ‘Yun lang! Marami sa atin ang mas binibigyang-halaga ang mukha kaysa sa katawan, pero minsan, kaila­ngan din natin itong isaalang-alang lalo na kung dehins na ito makabubuti para sa ating kalusugan. Kaya para sa mas magan­dang posture, alamin natin ang ilang para­an para sa ikabubuti nito:

1. BEAR YOUR WEIGHT PRIMARILY ON THE BALLS OF YOUR FEET. Mainam kung babalansehin ang bigat ng katawan sa pamama­gitan ng paglalakad nang maayos, iwasang maka­sanayan ang bagay na wala namang naidudulot na maganda. Hugot! Iayos ang mga paa sa tuwing naglalakad. Copy?

2. KEEP YOUR KNEES SLIGHTLY BENT. Huwag kayong masyadong tumayo nang tuwid, minsan, kailangan din nating ibaluktot ang ating mga tuhod nang sa gayun ay hindi sumakit ang ating mga kasu-kasuan. Oh, ‘di ba, ganu’n pala ‘yun?

3. KEEP YOUR FEET ABOUT SHOULDER-WIDTH APART. Make sure na susundin ninyo ang tip na ito dahil dehins lang nito mai-improve ang inyong posture kundi maging ang inyong confidence.

4. LET YOUR ARMS HANG NA­TURALLY DOWN THE SIDES OF THE BODY. From the word itself, dapat ay normal lamang ang pagkakalapat ng inyong mga kamay sa gilid ng inyong katawan para ma­iwasan ang iba’t ibang klase ng injuries. Huwag mag­padaskul-daskol o maging clumsy. Okie?

5. STAND STRAIGHT AND TALL WITH YOUR SHOULDERS PULLED BACKWARD. Tumayo ng tuwid, lalo na ‘yung bandang balikat nang sa gayun ay hindi makasanayan ang pala­ging nakayuko na po­sibleng madala hang­gang sa pagtanda.

6. TUCK YOUR STOMACH IN. Oooops, kahit medyo may bilbil ka, besh, oks lang ‘yan, basta susun­din ninyo ang payo na ito, tiyak na no more bad posture na kayo. He-he-he! Wow!

Oh, ayan, mga beshy, alam n’yo na, ha? Pero, para sa mas ma-improve pa ang inyong posture, bukod sa mga tip na ito ay ugaliin ninyong uminom ng gatas.

Okidoki? Hi-hi-hi!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page