Nene ni-rape ng 15-anyos

NASA pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang 15-anyos na lalaki matapos umano nitong gahasain ang batang babae sa Sitio Campo, Bgy. Umiray, Gen. Nakar, Quezon.
Alas-7:25 ng gabi nang niyaya umano ng suspek na si alyas Tisoy ang biktimang si alyas Tricia, upang makipaglaro sa kanya.
Dinala umano sa likurang bahay ng kanilang kapitbahay ang biktima at doon ginahasa.
Matapos ang insidente, tumakas ang suspek habang nagsumbong naman ang biktima sa kanyang ina.
Agad silang nagtungo sa pulisya upang makahingi ng tulong kaya nasakote ang suspek.





Comments