top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nagnakaw ng pampaganda sa mukha at mga pera

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 9, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ngayon ang panaginip ni Shanly ng Shanly_Trisha_Galera@facebook.com

Dear Professor,

Nais kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na nagnakaw daw ako ng mga gamit na pampaganda ng mukha at mga pera?

Maraming salamat!

Naghihintay,

Shanly

Sa iyo Shanly,

Ganito ang katotohanan, “ang lahat ay nakapagsisi­nu­nga­ling”. Ang isa pang katotohanan ay ang “bawal mag­sinungaling na naaayon sa Banal na Kautusan.

Eh, ang magnanakaw na nasa Banal na Kautusan din, ano ang ibig sabihin? Ang pang-uumit ay pagnanakaw din, kumbaga, ang tao ay likas na sinungaling at mang-uumit, pero kahit ganito ang tao, hindi ibinibilang ang dalawang nasabing kasalanang magdedestino sa kanila sa impiyerno.

Eh, ‘yung panaginip na nagnakaw ka ng pampaganda at ng pera? Kasalanan ba at sa impiyerno ka kaya mapupunta?

Ang sagot, hindi! Bakit? Dahil hindi bagay ang iyong nanakawin. Kung hindi bagay, ano kaya? Nanakawin mo ay ang inspirasyon ng iba tulad mismo ng mga pampaganda dahil ang inspirasyon ay hindi lang nagpapaganda ng pisikal na kaanyuan kundi ng personalidad at kapalaran din ng tao.

Dahil “nakaw” ito, iba ang tunay na may-ari, kaya maki­kitang ang nagpapaganda sa buhay ng iba ay lihim mong aagawin. Kapag ang tao ay inspirado, siya ay mabilis na aasenso at yayaman. Ito naman ang ibig sabihin ng nagnakaw ka rin ng pera dahil ang mawawalan ng pera ang panggaga­lingan ng inspirasyon mo.

Kaya ang tanong, kasalanan kaya ang magnakaw ng pag-ibig? Mahirap sagutin, pero ang katotohanan, lahat naman ay nai-in love sa may karelasyon na at ang magmahal sa may mahal ng iba ay hindi naman kasalanan dahil ang lahat naman ay nararanasan ang ganito.

Ano ang masama? Ang masama ay ang may mahal, pero nagmahal pa ng iba. Sa madaling salita, hindi ikaw ang magkakasala kundi ang iyong magiging inspirasyon sa buhay dahil siya ay pag-aari na ng iba, ngunit, siya ang magtataksil o sisira sa kanyang pinangakuan.

Kaya ipanatag mo ang iyong kalooban, pero hindi naman maiiwasan na mag-aalala ka dahil ang maaagaw mo ay magkakasala sa ngalan ng pag-ibig.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page