top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nag-aasikaso sa asawa’t anak at gawaing-bahay | SUWELDO SA HOUSWIFE

  • Jeff Tumbado
  • Mar 9, 2019
  • 1 min read

INIHIHIRIT na mabigyan ng suweldo ang mga nanay na nasa bahay o plain house­wife na nag-aasikaso ng kanyang asawa’t anak at mga gawaing-bahay.

Layon ng House Bill 8875 na kilalanin ang ambag ng mga housewife sa ekonomiya ng bansa.

Dalawang libong pisong buwanang kompen­sasyon ang pupuwedeng matanggap ng mga nanay na may isang anak na 12 taong gulang pababa at dumaranas ng kahirapan.

Inaatasan sa panukala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tukuyin ang mga kuwalipikadong makinabang o beneficiaries at bumuo ng mekanismo ng buwanang sahod ng mga ina.

Kaugnay nito, aabot sa P35 bilyon ang gagastusin para sa nasabing social protection assistance program kung saan P32 bilyon ang ilalaan sa mga babaeng kasal habang ang tatlong bilyon ay para sa mga single mother o biyuda.

Noong Enero ng nakaraang taon ay umabot sa 11.2 milyon ang bilang ng kababaihan na wala sa labor force at nananatili sa bahay para alagaan ang pamilya.

Samantala, tutol ang isang grupo ng mga kaba­baihan sa panukalang ito.

Lilikha umano ng kaguluhan sa konsepto ng papel ng mga kababaihan sa lipunan ang nasabing panukala.

Mas makabubuti umano kung matututukan ang mga tunay na problema ng kababaihan tulad ng mababang sahod at kawalan ng kasiguraduhan sa trabaho, maging ng kanilang mga asawa at mataas na presyo ng bilihin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page