top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mag-BFF dedbol sa motor

Paul Lamsen
Mar 9, 2019
1 min read

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang magkaibigan makaraang sumemplang ang kanilang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Binalonan, Pangasinan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Melchor Inocencio at Mark Cadaoan, kapwa nasa hustong edad, binata at naninirahan sa nasabing lugar.

Galing sa inuman ang dalawa at pinilit umanong umuwi sa kabila ng pagpigil sa kanila.

Matulin umano ang takbo ng motorsiklo hanggang sa mawalan ng preno saka bumangga sa kongkretong bagay na nasa tabi ng kalsada.

Sa lakas ng impact, basag ang bungo ng dalawa na agad nilang ikinasawi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page