Katapatan at demokrasya hindi raw mahalaga | ‘Pinas, yari kina Sara at Pacquiao sa 2022!
- BULGAR

- Mar 9, 2019
- 2 min read
HINDI DAPAT IPAGKATIWALA KINA MAYOR SARA AT SEN. PACQUIAO ANG PILIPINAS SA 2022 — Ang sabi ni Presidential Daughter Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, lider ng partidong “Hugpong ng Pagbabago” ay hindi raw importante sa kandidato na maging tapat sa publiko ngayong panahon ng halalan at ang sabi naman ni Sen. Manny Pacquiao ay masama raw sa bansa ang demokrasya.
Mayroong usap-usapan na sina Mayor Sara (for president) at Sen. Pacquiao (for vice-president) ay posibleng mag-tandem sa 2022 Presidential Elections kaya kung ganyan ang paniniwala nila sa mga isyung ito ay hindi dapat ipagkatiwala sa kanila ng mamamayan ang Pilipinas sa 2022 Presidential Elections dahil importante sa lingkod-bayan ang pagiging matapat sa bayan at mamamayan at importante sa bansa ang demokrasya, period!
◘◘◘
BAKA TANGGALIN NI MAYOR SARA SI SEN. JV SA ‘HUGPONG NG PAGBABAGO’? — Kinontra ni re-electionist Sen. JV Ejercito ang sinabi ni Mayor Sara na hindi importante ang pagiging tapat sa mamamayan ng kandidato dahil ayon sa senador ay tapat siya sa kanyang tungkulin at hindi siya sinungaling.
Naku, baka tanggalin ni Mayor Sara sa “Hugpong ng Pagbabago” si Sen. JV kasi “tapat” pala siya at ayaw niyang magsinungaling, boom!
◘◘◘
WESCOM-AFP, NAGMISTULANG SPOKESMAN NG CHINA — Pinabulaanan ng Western Command (WesCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ibinulgar ni Mayor Roberto del Mundo na hina-harassed ng mga mangingisdang Chinese ang mga mangingisdang Pinoy sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Hay naku, pati AFP ngayon ay nagmimistula nang spokesman ng China, buwisit!
◘◘◘
MGA SCALAWAG NA PARAK, KABADO NA KAY GEN. ELEAZAR — Suportado nina P-Duterte, PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, mga senador at publiko ang “pananakit” ni NCRPO Director General Guillermo Eleazar sa pulis-kotong na si P/Cpl. Marlo Quebete.
Dahil diyan, tiyak kakaba-kaba na ang mga scalawag na parak kasi kapag natimbog sila sa kanilang mga raket, siguradong makatitikim din sila kay Gen. Eleazar, period!





Comments