Ikalawang pinoy na obispo sa U.S., itinalaga na
ISANG Pilipino immigrant priest ang hinirang ni Pope Francis na maging auxiliary bishop ng Archdiocese of Los Angeles sa Estados Unidos.
Batay sa ulat, si Monsignor Alejandro Aclan na pari sa nabanggit na archdiocese ay ang ikalawang paring Pinoy na itinalagang Obispo sa U.S.
Gayunman, si Aclan ay isinilang noong Pebrero 9, 1951 at nagtapos ng Medical Technology sa University of Sto. Tomas.
Samantala, 1982 nang umalis sa bansa si Aclan at pumunta sa Southern California.
Sumunod dito, 1988 nang iniwan ni Aclan ang kanyang trabaho at pumasok sa St. John’s Seminary sa Camarillo para maging pari.
Mula 2001 hanggang 2012, naging kura-paroko ang bagong bishop-elect sa Saint Madeleine Parish sa Pomona.
Matatandaang, ang unang Pilipino na itinalaga bilang Obispo sa US ay si Bishop Solis noong 2003.





Comments