HOROSCOPE | MARSO 9, 2019 (Sabado)
- BULGAR

- Mar 9, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 9, 2019 (Sabado): Malalaking ambisyon ang tugma sa iyo dahil dito malalaking tagumpay din ang para sa iyo. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilan pang mga araw na darating. Magplano ka at saka mo ito gawin. Ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na ang kabiguan ay hindi mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-25-30-39-46.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Unahin mo ang pagpapayaman nang sa gayun ay hindi masayang ang magagandang pagkakataong ibinigay sa iyo ng langit. Hindi ka dapat magkamali. Muli, unahin mo ang pagpapayaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-10-11-13-26-35-37.
GEMINI (May 21- June 20) - Kikislap ang isipan mo at ang napakagandang pormula kung paano ka mabilis na aasenso, lalo na kapag nilakipan mo ito ng kaukulang pagkilos kung saan mas mabilis ang iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-20-24-25-34-42.
CANCER (June 21- July 22) - Gamitin mo sa negosyo ang perang mapupunta sa iyo. Muli, sa negosyo mo ito gamitin at hindi sa ibang mga bagay. Marami ang nabigo nang dahil sa maling paggamit ng kanilang nakuhang pera. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-23-25-37-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tanggapin mo ang resulta ng iyong pagkakamali. Hahangaan ka ng langit at magugulat ka dahil ang mali mo ay magiging tama at mamumunga ng mas maraming mga biyaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-13-15-20-21-28.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka masaya, roon ka! Ito ang kasagutan sa tanong kung ano ang pipiliin mo sa dalawang bagay na mahalaga sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-26-31-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humugot ka ng lakas sa mga napagtagumpayan mo ng mga pagsubok sa buhay. Ikaw ang nanalo noon, kaya ngayon, ikaw pa rin ang magwawagi. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-16-22-26-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang nakikita mo, ‘yun ang totoo. Huwag mong dayain ang iyong sarili na naghahanap pa ng dahilan para lang mapagtakpan ang nakalantad na katotohanan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-20-21-26-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maluwag ang landas ng buhay na iyong nilalakaran ngayon. Ang mga anino na iyong kinatatakutan ay likhang-isip lang naman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-27-39-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kunin mo ang sa iyo. Ipaglaban mo ang iyong karapatan. Napansin mo ba na ang walang karapatan ay nakikipaglaban, ikaw pa kaya na mayroong malaking karapatan? Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-19-20-21-26-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tatapang ka ngayon, pero mabilis ding mawawala ang tapang mo, kaya ang payo, kapag naramdaman mong tumapang ka na, kunin mo ang gustung-gusto mong mapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-8-24-26-34-47.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bago ang para sa iyo. Kaya kalimutan mo na ang luma at ang bago ang hanapin mo. Huwag kang mag-alala dahil sa huli ay makikita mo ang iyong sarili na yakap-yakap ang mga bago. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-14-28-33-38.




Comments