Ex-councilor natagpuang patay
- Pabs Hernandez III
- Mar 9, 2019
- 1 min read
CAGAYAN—Isang dating konsehal ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay, kamakalawa sa Tuguegarao City sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Manuel Fermin, residente ng nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, ang driver ni Fermin na si Genesis Tungpalan ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may tama ng saksak sa leeg sa loob ng kanyang bahay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para makilala ang mga salarin.





Comments