Eh, di wow, Zanjoe! SIGAW NI BEA: GERALD, GREAT LOVE KO!

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KINILIG naman ang mga netizens sa ginawang pagpo-post ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram account ng pagbati para sa 30th birthday ng kanyang off screen partner na si Gerald Anderson.
Kilala kasing tahimik at tago sa pagpo-post patungkol sa kanilang relasyon sina Gerald at Bea.
Makikita sa litrato na ipinost ni Bea na parang nasa isang karaoke room sila ni Gerald at kumakanta. Ayon sa post ng aktres, noong 2010 pa siya na-in love kay Gerald.
Aniya, “This photo was taken back in 2010. Back when I fell in love with you for the first time. Amazing how time just flies.”
Dagdag ni Bea, “Can’t help but get a little sentimental especially because you’re spending your 30th bday in another continent in a different picture. You are a wonderful man.”
Para sa aktres, ang relasyon nila ni Gerald ang kanyang great love story.
“Happy birthday babe. You are my great love story,” ang naging pahayag ng aktres.





Comments