DIONES, HARI SA TRIPLE JUMP; ANDAYA, WAGI SA 10,000M WALK

Photo : Fb Mark Harry Diones
ILAGAN - Muling pinatunayan ni Mark Harry Diones na siya ang undisputed ruler sa triple jump at itinanghal si Vince Jayson Buhayan bilang most bemedalled athlete na may perpektong 3-for-3 at nilapatan ng kulay ni army man Larry Andaya ang pagdiriwang ng 122nd anniversary ng Philippine Army ngayon sa panalo sa 10,000m walk men at inangkin ng host Ilagan ang overall championships may 42 medals kasama ang 17 golds sa Ayala National Open Athletics.
Dinomina ni Diones, two-time NCAA MVP, ang triple jump sa 16.08 meters at ang anak ng tricycle driver na taga Iloilo na si Vince Jayson Buhayan sa perfect 3-for-3 sa 100m, 200m, at 400m at itinanghal na prinsipe ng sprint sa boys division, limang araw bago ipagdiwang ang kanyang 18th birthday.
Sa masusing gabay ni coach Mike Valenzuela at national coach Sean at high jump record holder Sean Guevarra, impresibong tinalo ni Buhayan, winner of 5 golds sa Western Visayas Regional meet, ang kanyang mga kalaban sa tatlong events.
“Hindi ko akalaing manalo ako sa tatlong event dahil ngayon lang ako sumali at hindi ko kilala ang mga kalaban ko,” sabi ni Buhayan.
Impresibong tinalo ni Andaya ang mga kalaban sa 10,000m men walk sa oras na 57:40.72 secs at tumapos ang 53-field army delegation second overall na may 24 medals na sinundan ng unattached 22 medals at Adamson 19 sa pagwawakas ng tatlong araw na athletics competition.
Tulad ng inaasahan nagwagi si Brazil Olympian at Asian Gamer at dating SEAG “king of sprint” si Eric Shawn Gray sa 200m na naorasan ng 21.92 secs, tinalo sina Mohammad Irfan Qabeel Daud at Yann Guang Marcell Tan ng Singapore para sa pilak at tanso sa 22.59 at 22.88 secs, ayon sa pagkakasunod.
Kinuha ni Cray, nakatira sa El Paso, Texas, USA, ang karangalan matapos panalunin ng taga-Orlando, Florida na si Kristina Knott ang women’s division sa oras na 23.63 secs, tinalo ang kapwa Fil-Ams na sina Zion Rose Nelson at dating SEAG sprint queen Kayla Anise Richardson na dumating ng 24.03 at 24.51 secs.





Comments