Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo

NAKAAMBA na naman sa susunod na linggo ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa abiso ng Jetti Petroleum, sa kanilang pagtaya makalipas ang ilang araw na trading, maaaring magkaroon ng kakarampot na rollback sa presyo ng diesel at dagdag naman sa presyo ng gasolina.
Sa ngayon, nasa P0.05 hanggang P0.10 kada litro ang nakikita nilang rollback sa presyo ng diesel.
Habang P0.80 hanggang P0.85 naman sa kada litro ng gasolina ang inaasahang pagtaas. Ang halaga ng price adjustment ay dedepende pa sa naging resulta ng trading kahapon at magiging resulta ngayong araw.





Comments