Bilang pagsasakripisyo ngayong Semana Santa — CBCP | TIGILAN ANG FB, IG AT TWITTER
- Madel Moratillo
- Mar 9, 2019
- 1 min read

NGAYONG panahon ng Kuwaresma, hinikayat ng isang opisyal ng Simbahan ang mga Katoliko na isantabi at mag-log-out muna sa kanilang mga social media account tulad ng Facebook, Instagram at Twitter bilang paraan ng pagsasakripisyo.
Giit ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Episcopal Commission on the Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa halip na magbabad sa social media ay mabuting gugulin ang oras sa pananalangin at pagninilay.
“...maganda nga instead of a pagbabantay sa Facebook o sa TV, magdasal muna tayo o magbasa ng Bible o makipag-usap sa isang may sakit. So, ‘yang mga bagay ba na what you denied to yourself you give to the others.’Yan yung mahalaga i-connect natin yan,” pahayag ni Pabillo sa church-run Radio Veritas.
Paliwanag ni Pabillo, isang uri ng pagsasakripisyo at pagdidisiplina sa sarili ang pagpipigil sa mga bagay na labis na kinagigiliwan tulad ng social media.
Nitong Marso 6 ay pormal nang nagsimula ang panahon ng Kuwaresma na isa sa pinakamahahalagang okasyon sa mga Katoliko.





Comments