top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Babala ng experts... MGA TAONG MADALAS MAGPUYAT, PRONE SA CHRONIC DISEASE!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 9, 2019
2 min read

“SLEEP is for the weak”, ito ang katagang madalas nating naririnig sa mga beshy nating mahilig magpuyat dahil sa paglalaro ng online games, pagbabad sa social media at mayroon ding iba na napu­puyat sa kaaaral. Pero, hinay-hinay sa pagpupuyat, mga beshy, dahil knows ba ninyo na ang pa­giging sleep dep­rived ang nagiging dahilan para mag-over eat ng junk foods ang indibid­wal? Hala!

Ayon sa mga eksperto, ang mga indibidwal na ku­lang sa tulog o sleep dep­rived ay mas ma­dalas na nagke-crave ng junk food, gayu­ndin na mas nagiging ma­gastos sila.

Ito ay dahil ang kaku­langan sa tulog ay nagrere­sulta sa pa­giging pagod kung saan ito ay nakabu-boost umano ng area sa utak na may kaug­nayan sa appe­tite at comfort eating, gayun­din ang hormones na nagpa­paalala sa indibidwal na siya ay gutom.

Ang pag-aaral na pina­ngunahan ni Dr. Julia Rihm kung saan ito ay binubuo ng 32 katao na nasa edad 19 hanggang 32.

Para isagawa ang pag-aaral, ang mga kalahok ay inatasang pumunta sa labo­ratoryo ng mga researcher para kumain ng normal na serving ng dinner sa loob ng dalawang gabi.

Pagkatapos nito, ang ibang mga kalahok ay inata­sang umuwi kaagad para matulog habang ang iba ay naiiwan sa lab kung saan ang mga ito ay nanatiling gising.

Kinabukasan, sinuri ng mga researcher ang kagus­tuhan ng mga ito na kumain ng snack, gayundin, ang ka­nilang brain activity at hor­mone level.

Binigyan ng £2.70 o ka­tumbas ng $3.40 ang mga kalahok kung saan ipinam­bili nila ito ng snacks tulad ng chocolate bar at chips, gayundin ang ilang house­hold items o university mer­chandise.

Napag-alaman ng mga researcher na ang mga ka­lahok na hindi nakakuha ng sapat na tulog ay bumili ng maraming snacks, partikular ang junk food kumpara sa mga kalahok na may sapat na tulog.

Gamit ang MRI (mag­netic resonance imaging) brain scan, napag-alaman ng mga reseacher na ang ka­walan o kakulangan ng tulog ay nakai-stimulate ng neu­rons sa amygdala at hypo­thalamus.

Samantala, ipinaliwanag ng mga eksperto na ang dis­ruption umano sa normal na function ng katawan ay na­kapagpapataas ng tsansa na mag-over eat at maging obese ang indibidwal.

Ang amygdala ay isa umanong area ng grey mat­ter na konektado sa reward seeking behavior ng indibid ­wal tulad ng stress eating. Gayunman, ang hypotha­lamus ang namamahala sa pagko-control ng appetite.

Ayon kay Dr. Rihm, ang kakulangan sa tulog o sleep deprivation ay maaari uma­nong mag-trigger ng pag-o-over eat na posible ring hu­mantong sa obesity.

Oh no, mga besh! Kung naniniwala ka na ‘sleep is for the weak’, think again dahil baka dehins mo napapansin na unti-unti na palang naa­apektuhan nito ang kalusu­gan mo.

Have a healthy lifestyle!

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page