top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tindero na nalulugi na ang kumpanyang pinagtatrabahunan

ROMA AMOR
Mar 8, 2019
1 min read

Dear Roma,

Alfonso ang panga­lan ko, 31 years old. Matagal na akong nagtitinda ng mga kagamitan para sa sasakyan, kaya lang nitong nakaraan ay sinabi sa amin na malapit ng malugi ang kumpanyang aming pinagtatrabahuhan. Sa ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko dahil natatakot akong mag-apply sa iba at gusto ko na lang sanang dito magtrabaho, ha­bambuhay. Ano kaya ang dapat kong gawin? — Alfonso

Alfonso,

Minsan, ang buhay natin ay hindi natin nasisigurado, lalo na sa usaping pagtatrabaho dahil ‘ika nga nila, wala namang permanente sa mundo. Kung ganyan na ang mangyayari sa kumpanyang pinagtatra­babuhan mo, dapat mo ring isipin ang kapakanan n g pamilya mo. For sure naman hindi kayo basta basta paba­bayaan ng may-ari ng kumpanya dahil matagal kang nanilbihan sa kanila. Kaya mo ‘yan, bro! Basta para sa pamilya, laban! Okay? Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page