top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sapat na tulong para sa mga nawalan ng bahay dahil sa sunog sa Bgy. San Antonio, Quezon City, ibigay

  • Ryan B. Sison
  • Mar 8, 2019
  • 1 min read

MATATANDAANG, noong nakaraang Martes ay natupok ng apoy ang pagawa­an ng sofa sa Barangay San Antonio, Que­zon City kung saan maraming resi­dente ang nadamay dito.

Sa kabuuan, nasa 800 pamilya ang nasu­nugan na pansamantalang naninira­han sa evacuation center ng nasabing barangay.

Ang iba naman ay binalikan ang na­sunog nilang mga bahay para makaha­nap ng mga puwede pang maisalba ha­bang mayroon ding natulog na lang sa kalsada kung saan karton ang nagsilbi nilang kama.

Samantala, taun-taon ay may mga nangya­yari talagang sunog sa iba’t ibang lugar sa bansa kung saan pagkatapos nito ay tiyak na maraming pamilya ang mangangailangan ng pagkalinga.

Kaya naman, ngayon ay humihingi ng tulong ang ilang residente ng Bgy. San Antonio sa mga kinauukulan, lalo na at may ilan sa ka­nila ang halos abo na lang ang nadatnan sa dating munting tirahan.

Sa totoo lang, simpleng bagay tulad ng mga de-lata, damit, bigas at marami pang iba ay malaki na ang maitutulong para sa kanila.

Gayundin, maging ang ilan sa ating ma­mamayan ay libreng-libreng tumu­long, kaya kung may mga damit tayong hindi na ginagamit o ekstrang pera, huwag nang magdala­wang-isip na tumu­long sa iba!

‘Ika nga nila, upang umunlad ang isang bansa, pagtutulungan ang dapat na ginagawa!

Dagdag pa rito, paalala natin sa lahat da­hil sa mainit na klima, magdoble-ingat tayo dahil talamak talaga ngayon ang pagkakaroon ng sunog na hindi natin ina­asahan kung saan wala itong pinipiling biktima.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page