top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sa mga mag-aaral na gagradweyt ngayong School Year, read n‘yo ‘to! TIPS PARA SA MGA A-ATTEND NG GRAD

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 8, 2019
2 min read

MALAPIT ng magmartsa ang mga graduating diyan, pero bago maganap ang araw ng kanilang pagtatapos, eh, siyempre magaganap din ang kanilang graduation ball. Kaya naman para sa mas memorable at masayang pagtatapos, narito ang ilang tips para sa inyo:

1. ENJOY. Of course, kailangan, eh, mag-enjoy kayo sa inyong graduation ball dahil minsan lang ‘yan, mga beshy! ‘Yung tipong ibigay na ninyo ang lahat dahil for sure, isa ‘yan sa memories na maaalala ninyo kapag nagkaroon kayo ng reunion kasama ang inyong mga dating kaklase at kaibigan.

2. BE PREPARED. Maging handa sa mga maaaring mangyari kung saan may iyakan, aminan, ligawan at marami pang iba. Sa graduation ball, maraming nagaganap na hindi natin inaasahan kasi ‘yung iba natatakot na magsisi sa huli.

3. DON’T LIMIT YOURSELF. Para sa mas masayang graduation ball, make sure na hindi mo ili-limit ‘yung sarili mo sa mga bagay na alam na alam mo na o ‘yung madalas mong gina­gawa. Dapat kang lumabas sa iyong comfort zone. Okie? Hi-hi-hi!

4. DON’T BE KILLJOY (KJ). Kung gusto mong mag-enjoy, make sure na hindi ka kill- joy. Sa pagiging KJ, maraming naiinis na tao dahil hindi maru­nong makisama at hindi inaayon sa lu­gar ang pag-iinarte. Kaya kung guilty ka rito, beshy, kahit one time lang, eh, stop mo muna. Copy?

5. MEET NEW FRIENDS. Totoo na kahit nasa iisang campus tayo, marami pa rin tayong hindi kaibigan sa mga kaklase o ka-batch natin. Kaya ito na ang chance ninyo para makakilala ng mga bagong kaibigan, gayundin para makilala na ninyo ang mga crush ninyo sa kabilang section. Yiiiee! Bet na bet! Ha-ha-ha!

Oh, ayan, bukod sa susuotin, dapat alam n’yo rin kung paano magsasaya sa nalalapit na graduation ball, mga beshy!

Have a memorable party!

Okidoki?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page