top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Programang makatutugon sa problema ng mga informal settler, alamin!

Alvin Feliciano
Mar 8, 2019
2 min read

ISA sa mga problema ng Informal Settler Families o ISF ay ang kasiguraduhan sa kanilang tinitirhan. Ang Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP bilang ahensiya ng gobyerno na nagsisilbing ‘direct link’ ng maralitang tagalungsod sa gobyerno ay may mga programa para sa mga ISF upang tugunan ang kanilang pangangailangan; isa na rito ang Socialized Housing Project.

Para sa ating kaalaman, ang Socialized Housing Project ay mura at abot-kayang pabahay ng gobyerno para sa mga kababayan nating maralita at kung sakali namang hindi kaya ang mga gastusin para sa pagpoproseso nito, mayroon tayong tinatawag na Community Mortgage Program o CMP.

Tanong: Ako si Anna, na tagasunod ng kolum ninyo. Gusto ko sanang malaman kung ano ang puwede naming gawing magkakapitbahay para mapasaamin ang lupang kinatitirikan ng aming bahay? Ang sabi sa amin ng taga-Urban Poor Affairs Office (UPAO), maaari raw kaming mag-apply ng CMP. Ano ba ito?

Sagot

Ang CMP ay programa ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) kung saan pauutangin ng gobyerno ang lehitimong urban poor association para maipambili ng lupa, mai-develop ang lugar o maipampatayo ng bahay kung mayroon ng lote ang Urban Poor Organization o UPO. Maaari itong on-site (aktuwal na tinitirhan) o off-site (ibang lugar). Ang loan naman na ito ay depende sa kapasidad ng asosasyon at ito ay ia-apply sa SHFC para sa screening.

Siguraduhin lamang na mayroong Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng landowner at ng inyong samahan na nagpapatunay na kayo ay daraan sa proseso ng CMP para mabili ang lupa. Ang dokumentong ito ay ang panimulang hakbang para magkaroon ng kasiguraduhan sa paninirahan.

Kung mayroon pa kayong ibang katanungan at nais humingi ng tulong, maaaring pumunta sa tanggapan ng PCUP at gagabayan kayo ng ating mga area coordinator upang maging maayos at mapabilis ang inyong application sa CMP. Makatutuwang din natin ang ating kasamahan sa SHFC para lalong mapabilis ang ating aplikasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page