top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Panelo, biglang kambiyo | NARCO-LIST, HINDI RESULTA NG WIRETAPPED INTEL

M. Alfonso
Mar 8, 2019
1 min read

ITINANGGI ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang naunang pahayag nito na resulta ng wiretapped intel ng ibang bansa ang mga pangalan ng mga narcolist na nakatakdang ilabas ng gobyerno sa susunod na linggo.

Kasunod ito ng pahayag ni PDEA Director General Aaron Aquino na wala silang natatanggap na anumang impormasyon na galing sa ibang bansa na pinagbasehan ng narcolist.

Sa press briefing, nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang kanyang pahayag ay base lamang sa lohika at educated guess dahil sa mga nangyayari sa mundo.

“Unang-una, wala pang na-wiretap, as I said earlier. Iyong akin more on educated guess kung ano ang gagawin at ano ang dapat gawin at kung ano ang maaring gawin,” ani Panelo.

Giit pa ng opisyal na wala pa umanong nagbibigay ng mga wiretapped information sa Pilipinas na mula sa ibang bansa.

Binawi rin ng kalihim ang inihayag niya na mula sa Russia, China, U.S. at Israel ang nabanggit na impormasyon.

Nilinaw ni Panelo na nangangahulugan lamang na ang mga bansang nabanggit ay dalubhasa sa wiretapping activities at hindi niya umano sinabing galing dito ang mga impormasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page