Pagiging tapat ‘di basehan sa pagboto | LAHAT NG KANDIDATO, SINUNGALING!
- BULGAR

- Mar 8, 2019
- 1 min read

“WALANG isang kandidato diyan na hindi nagsisinungaling, kaya hindi dapat nagiging issue ang honesty ngayon.”
Ito ang pasaring ni Mayor Sara Duterte-Carpio at Hugpong ng Pagbabago campaign manager sa mga kandidato ng oposisyon dahil sa pagtira kay senatorial candidate Imee Marcos.
“Kasi [ang] sinasabi nila, the issue is not about a college degree but honesty,” pahayag ng alakalde.
“Lahat sila sinungaling. Lahat ng tao sa mundong ito [ay] sinungaling,” dagdag pa nito.
Isa sa kanyang tinukoy ay si Magdalo Rep. Gary Alejano, na tumatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng Otso Diretso.
“So, ano nang gagawin natin sa kanila? Tulad ni Alejano, nagsisinungaling. Wala naman siyang proof to say na galing sa public funds ang t-shirts,” ayon pa sa alkalde kaugnay sa isyu ng mga damit na may mukha ni Hugpong at PDP-Laban senatorial candidate ‘Bong’ Go.
Naibalita na sinabi ni Alejano na ipinamahagi ito bilang bahagi ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National Assembly event kit. Pinabulaanan naman ni Interior Secretary Eduardo Año na nagmula sa kaban ng bayan ang mga naturang damit.
“They deliberately say false statements onstage... against the administration of President [Rodrigo] Duterte,” dagdag pa ni Duterte-Carpio.
“Andami-dami nilang sinasabi about the administration of President [Rodrigo] Duterte which are untrue. So, that also reflects on their honesty and credibility.” (BRT)





Comments