P3.4 million shabu nasamsam sa hotel

AABOT sa P3.4 milyong halaga ng shabu na katumbas ng kalahating kilo ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Ermita, Manila.
Nasa kustodiya ng PDEA, ang suspek na si Kadil Adzmin, 27, residente ng Quezon City.
Ang suspek umano ang nagbenta sa kanilang poseur-buyer sa loob ng tinutuluyang Room 104 sa Casa Bocobo na matatagpuan sa United Nations Ave. at J. Bocobo St., Ermita, Manila, alas-6:30 ng gabi.
Nang magkaabutan ng shabu at pera sa kanilang transaksiyon, dito na dinakip ang suspek at nasamsam sa kanya ang 10 malalaking sachets ng shabu na may kabuuang bigat na kalahating kilo.
Depensa ng suspek, napag-utusan lang siya na magbenta ng shabu at dahil wala siyang trabaho kaya pinasok nito ang pagtutulak ng droga.





Comments