Negosyante pinagbabaril ng riding-in-tandem, utas
- Maeng Santos
- Mar 8, 2019
- 1 min read

DEDO ang 31-anyos na negosyante matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Malabon City.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon si Jonathan Verances, buy-and-sell ng motorsiklo at residente ng Bgy. Baritan.
Ayon kina P/SMsgt. Joselito Bagting at P/Cpl. Philip Cesar Apostol, alas-12:50 ng hatinggabi, minamaneho ng biktima ang kanyang motor habang tinatahak ang kahabaan ng C4 Road nang habulin ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo.
Pagsapit sa kanto ng Manapat St., Bgy. Tañong, pinagbabaril ng mga suspek ang biktima saka kinuha ang helmet at bag nito na naglalaman ng hindi matukoy na halaga bago nasitakas.





Comments