Mga empleyado nagprotesta, flights naantala
NAANTALA ang mga pasahero ng isang paliparan sa Kenya dahil sa naganap na strike.
Ito ay nang magalit ang mga empleyado ng Jomo Kenyatta Airport sa Nairobi matapos pag-isahin ang airport authority at national airlines.
Agad nagpakalat ng mga sundalo sa naturang paliparan upang maiwasan ang kaguluhan.
Dahil sa naganap na kilos-protesta, naapektuhan ang ilang paliparan sa Mombasa, Eldoret at Kisumu.
Samantala, bumalik sa normal ang mga flight pagtapos ng halos isang araw.





Comments