Lamay niratrat, 4 todas

APAT na magkakamag-anak ang patay habang dalawang iba pa ang sugatan nang pagbabarilin habang nasa burol sa Infanta, Quezon, Miyerkules ng gabi.
Dead-on-arrival sa Claro M. Recto Memorial Hospital sina Herman Cuento, 70; Leon Turgo Cuento, 73; Manuel Avellaneda Cuento, 41, at Michael Nuza Cuento, 50.
Nananatili naman sa ospital sina Maximo Junio Cuento, 65, at Napoleon Penamante Miras, 68.
Batay sa report kay Police Col. Osmundo de Guzman, nakikipaglamay ang mga biktima sa Purok Irrigation, Bgy. Ilog nang pagbabarilin ng hindi pa matukoy na suspek na armado ng kalibre .45.
Patuloy na ang pagtugis sa salarin habang inaalam pa ang motibo sa krimen.





Comments