top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Dalaw sa bilibid, bawal

Mylene Alfonso
Mar 8, 2019
1 min read

SUPORTADO ng Malacañang ang desisyon ng Bureau of Corrections (BuCor) na kanselahin ang mga prebilehiyo ng mga preso sa New Bilibid Prison (NBP) kabilang na ang tumanggap ng dalaw.

Giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pansamantala lang naman ang naturang hakbang upang maiwasan ang pagdami ng mga kontrabando sa loob ng kulungan.

Una nang ipinag-utos ni BuCor Chief Director General Nicanor Faeldon ang revocation ng visiting privileges sa mga preso matapos madiskubre ng Philippine National Police (PNP) na may Bilibid inmate ang nagpapatakbo ng drug operation sa Cebu sa pamamagitan ng internet.

Ikinagalit naman ng Commission on Human Rights (CHR), ang hakbang ng BuCor at binigyang-diin na dapat tutukan ng gobyerno ang pagpapaganda sa jail management.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page