Dahil kay Arjo… MAINE, TABLADO, 'DI IPINO-PROMOTE SA SARILING SHOW KAHIT BIDA
Beth Gelena / BULGARY FILES

HINAHANAPAN umano ng panibagong ka-love team si Alden Richards na idinaan ng mga fans ng Pambansang Bae sa pamamagitan ng social media.
Pero, sadyang may mga bastos pa ring fans na hanggang ngayon ay ‘di maka-move on sa pasabog ni Maine Mendoza sa kanyang blog tungkol sa kanila ni Arjo Atayde.
Ayon sa isang nag-post na may kahulugan ang sinabi, “Baka naman guy ang hinahanap.”
Ang nananahimik na ama ni Alden ay hindi nakapagpigil at sinagot ang nag-post, “Pls. prove it Sir.”
Sa reaction ng ama ni Alden, humaba ang usapan ng mga fans na ang iba ay kampi kay Maine at ang iba nama’y sa side ng Kapuso actor.
Ayon sa mga tagapagtanggol ni Alden, patunayan daw ng mga bashers ang pinagsasasabi dahil puro paninira lang daw ang alam ng mga ito.
Hindi na nga raw nagsasalita si Alden sa isyu ay kung bakit binibira pa.
Ang mga kampi naman sa side ni Maine ay nagsabing, “Maine’s parents are decent people. Alam nilang nasa showbiz ang anak nila, full of articulate people, kapag nag-react ka, lalong darami ang mga bashers ng anak nila.”
Kung hanggang kailan matatapos ang bangayan ng mga fans hinggil sa isyu nina Alden, Maine at Arjo, ang masasabi lang ng inyong lingkod… napakahaba ng hair ni Maine Mendoza!
By the way, how true na sa pagpo-promote raw ng Daddy’s Gurl kung saan si Maine ang lead role kasama si Vic Sotto, hindi nababanggit ang pangalan ng Dubsmash Queen sa promotion?
Ngayong Sabado kasi ay guest si Alden sa naturang sitcom at tanging ang name ng actor ang nababanggit kaya parang si Alden daw ang lumalabas na bida sa Daddy’s Gurl.
Sinasadya raw ba ito ng kampo na pabor kay Alden dahil galit sila sa ‘pasabog’ na ginawa ni Maine?





Comments