Charger bubunutin | LALAKI NADIKIT SA LIVE WIRE, PATAY
- M. Alfonso
- Mar 8, 2019
- 1 min read

TODAS ang stay-in laborer nang mangisay makaraang makuryente sa live wire matapos tangkaing tanggalin ang nakasaksak nitong battery charger, kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Manila.
Hindi na naisalba sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Dexter Abelgos, tubong-Bgy. Miguel, Mojica Mendez, Cavite City at stay-in sa Laperal Building sa C.M. Recto Avenue.
Ayon kay P/Sgt. Marlon Dee, alas-4:00 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa ground floor ng nasabing gusali.
Nakita umano ng kanyang mga kasamahan na biglang nagkikisay ang biktima nang madikit sa kawad ng kuryenteng talop at nakadikit sa staineless.
Tinangka umano ng biktima na tanggalin ang battery charger ng kanyang cellphone pero, aksidenteng napadikit ito sa live wire.





Comments