Bahay ng Bgy. tserman ni-raid, mga baril at bala nakumpiska

PINAGHAHANAP ng mga awtoridad ang isang barangay chairman matapos salakayin at madiskubre sa loob ng kanyang bahay ang matataas na kalibre ng baril sa Bgy. Bulacnin, Lipa City.
Kinilala ang suspek na si Carlito Latayan, chairman sa nasabing barangay.
Batay sa ulat, pasado alas-2:00 ng hapon nang salakayin ang bahay nito at makalipas ang ilang oras na paghalughog ay nadiskubre ang ilang matataas na kalibre ng baril at iba’t ibang klase ng bala. Wala naman sa bahay ang tserman nang isagawa ang raid.





Comments