top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Aysus, Maria! MAGALING NA AKTRES, 'DI KINAYA ANG PAGKAMATAY NG MADIR AT VETERAN ACTOR NA PARANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 8, 2019
  • 1 min read

Blind Item:

UNTI-UNTI nang nagiging visible sa telebisyon ang isang magaling na aktres na dating nagpabaya sa kanyang career dahil sa depression.

Kaya naman, nabuhayan ng loob ang kanyang mga tagahanga at umaasang magtutuluy-tuloy na ang pagbangon ng career ng kanilang idolo.

Ilang taon ding nanahimik at nagtago ang magaling na aktres at tumanggi sa mga trabaho. Nawalan siya ng sigla at gana dahil sa sunud-sunod na malaking pagsubok na dumaan sa kanyang buhay.

Astig at palaban ang tingin ng lahat sa magaling na aktres. Bata pa siya ay sumasalang na sa harap ng kamera. Siya kasi ang tumatayong breadwinner ng pamilya.

Mahal na mahal ng premyadong aktres ang kanyang ina. Iniidolo niya ito nang husto. Kaya nang nawala ang kanyang nanay ay gumuho ang mundo ng magaling na aktres.

Sumunod namang pagsubok ay nang yumao ang veteran actor na itinuring nang pangalawang ama ng palabang aktres.

Dob­leng sakit ng loob ang dinanas niya. At ang pangatlong dagok sa buhay ng premyadong aktres ay nang magkahiwa­lay sila ng lala­king minahal niya.

Dito na bumigay, nawindang at na-depressed nang todo ang aktres.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page