Sa mga malapit ng magmartsa riyan, read n’yo ‘to! TIPS PARA SA SUCCESSFUL INTERNSHIP, ALAMIN!
- Justine Daguno
- Mar 7, 2019
- 2 min read

PLANADO na ba ang summer getaway natin, mga beshy? Panigurado, marami sa atin ang excited na talaga sa "hottest season" ng taon.
Mayroon diyan, todo-diet na para maging fit na fit sa swimsuit nila, mayroon ding naloloka na sa iba’t ibang promo at pakulo ng mga travel agency, pero mayroon din namang busy-busy-han ang peg this summer, lalo na 'yung mga estudyante nating gogora na sa kanilang internship kaya naman inilista natin ang iba't ibang tips na makatutulong para maging memorable at successful ang summer internship ng ating mga beshy:
1. DO ASK QUESTIONS. Sabi nga sa sikat na tag line, “huwag mahihiyang magtanong”, siyempre, intern pa lang tayo kaya maraming bagay kung saan hindi pa tayo pamilyar gawin, kaya ang pagtatanong ay magandang ideya dahil dito tayo matututo.
Isa pa, kapag ginagawa natin ang pagtatanong mas makikita ng mga nagte-train sa atin na may willingness at interesado tayo sa ating ginagawa, malay natin i-absorb tayo ng kumpanya, gusto mo ‘yun?
2. DON'T LET THEM SPOON-FEED YOU. Kapag lahat ng bagay ay ibinigay o itinuro sa iyo, ano pang ie-explore mo? Maaari tayong magtanong, pero dapat pinagagana rin natin ang ating common sense at mag-explore rin tayo.
Ang internship, ang pinakamagandang pagkakataon para matuto, lalo na sa field na pinili mo, okidoki?
3. DO ASK FOR ADDITIONAL WORK. Kung nakikita nating mayroon tayong maitutulong, huwag na tayong magdalawang-isip na mag-volunteer kasi sa internship hindi lang sinusukat ang kakayahan natin sa task na ibinigay sa atin kundi maging ang attitude at initiative rin ng intern, well, plus point din ‘yun sa evaluation, gets?
4. DON'T BE A KNOW-IT-ALL. Simple lang ito, huwag maging bida-bida. Okay lang naman magpa-impress, pero dapat nasa lugar hindi ‘yung “zero knowledge” o hindi naman natin ‘yun forte, pero epal tayo, naku, never natin ‘yang gagawin habang nasa internship dahil sobrang nakao-off ‘yan hindi lang sa nagte-train sa iyo kundi maging sa kapwa trainee natin, okay?
5. DO RESPECT THE PEOPLE YOU WORK WITH. Hindi lang basta sa “polite greetings” halimbawa, kapag pinajo-join tayo sa meeting, dapat ugaliin nating huwag ma-late at makinig tayo sa presentation. Ipakita natin sa kanila na may respeto tayo sa oras at mga opinyon nila.
Matuto tayong makiramdam sa paligid dahil sa work field mahalaga ang respeto sa kapwa empleyado kaya dapat gamitin natin ang internship para ma-practice ang ganitong habit, ganern!
6. DO TAKE IT SERIOUSLY. Totoong makatutulong ang internship para maihanda tayo sa napakaraming challenges sa “real world”.
Lahat ng matututunan natin habang nagte-training tayo ay magagamit natin kapag naging “tunay na tayong empleyado”, pero siyempre, huwag tayong masyadong OA kasi “preparation” pa lang ‘yan. Okay?
7. DON'T FORGET TO HAVE SOME FUN. I-enjoy natin ang internship dahil sa pagkakataong ito, sobrang makaiipon tayo ng napakaraming memories.
I-appreciate natin ‘yung maliliit na bagay na mararanasan natin kasi sa pagtatapos ng internship at sa pagsabak natin sa tunay na mundo ay magagamit natin ito, pramis!
Tandaan na ang summer internship ay parte pa rin ng “summer doings” kaya tulad ng usual nating ginagawa habang summer dapat i-enjoy natin ito kasabay nang pagkatuto sa mga bagay-bagay, kaya sa mga incoming trainees/interns natin diyan, break a leg!
Good luck!





Comments