top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pulis niratrat, todas

  • Jeff Tumbado
  • Mar 7, 2019
  • 1 min read

TODAS makaraang pagbabarilin ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Talisay City, Cebu, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang napatay na si Corporal Mikie Espina, nakatalaga sa nasabing lungsod.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng mga awtoridad, sakay ng kanyang motorsiklo ang pulis patungong presinto nang tambangan ng mga armadong lalaki sa Talisay City.

Bagama’t, naisugod pa sa ospital, hindi na rin umabot ng buhay si Espina dahil sa tinamong mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nabatid na ililipat sana sa Masbate ang biktima matapos masangkot ito sa iligal na droga.

Patuloy nang sinisiyasat ng pulisya ang motibo at ang nasa likod ng krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page