top of page
Pokwang.jpg

Natagpuan sa magkaka-hiwalay na transport hubs | 3 EXPLOSIVE PACKAGES, NASABAT

Jersey Sanchez
Mar 7, 2019
1 min read

PATULOY na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya ng Ireland at kanilang counterpart sa Britain para matukoy ang pinagmulan ng tatlong bagahe na may mga pampasabog.

Natagpuan ang mga pampasabog sa magkakahiwalay na transport hubs sa London.

Gayunman, nakasilid sa A4 postal bags ang mga package na dumating sa Heathrow at London City Airports at sa Waterloo Rail Station.

Ayon sa pahayag ng Metropolitan Police, magkakaugnay ang magkakahiwalay na insidente.

Dahil dito, ipinag-utos ni London Mayor Sadiq Khan ang imbestigasyon upang malaman ang motibo rito, gayundin, nagpasalamat si Khan sa mga pulis dahil sa mabilis na pagkakatuklas sa mga bagahe.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page