top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga mangingisdang Pinoy, pinalayas ng mga Chinese sa karagatang sakop ng 'Pinas, P-Digong, ngang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 7, 2019
  • 2 min read

KAKASUHAN AT IPAKUKULONG DIN KAYA NI P-DUTERTE SINA SEC. GUEVARRA AT FAELDON?—Dahil sa kalakaran ng droga sa Bilibid noong sina Sen. Leila de Lima ang kalihim ng Department of Justice (DOJ) at ret. Police Gen. Franklin Bucayu pa ang director ng Bureau of Correction (BuCor) ay sinampahan ng kaso at ipinakulong ni P-Duterte ang senadora at ang dating head ng BuCor.

Ngayong nabulgar na tuloy pa rin ang kalakaran ng droga sa Bilibid, magawa rin kaya ni P-Duterte na kasuhan at ipakulong ang dalawa niyang alipores na sina DOJ Sec. Menardo Guevarra at BuCor Director Nicanor Faeldon? Abangan!

◘◘◘

ITINABOY NG MGA MANGINGISDANG CHINESE ANG MGA MANGINGISDANG PINOY; P-DUTERTE, ‘NGANGA’ LANG?—Sa kabila na ibinulgar ni Mayor Roberto del Mundo ng Kalayaan at Pag-asa Island na itinaboy at hindi pinayagan ng mga mangingisdang Chinese ang mga mangingisdang Pinoy na makapangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas ay dedma lang sa isyung ito si P-Duterte.

‘Yan ang pangulo ng Pilipinas, matapang at magaling lang mam-bully sa mga mahihirap, taong-Simbahan at maging sa Diyos, pero sa China, “bahag ang buntot”, pwe!

◘◘◘

BUDGET NG DOH, TINAPYASAN NG P25 MILYON AT GINAWANG PORK BARREL—Ibinulgar ni Sen. Ping Lacson na tinapyasan daw ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ng P25 milyon ang budget ng Department of Health (DOH) at ang halagang ito ay pinagparte-partehan ng mga kongresista bilang dagdag sa kanilang pork barrel.

Ganyan ka-bad ang Speaker of the House ng Duterte gov’t., boom!

◘◘◘

KAHIT DOBLEHIN NI P-DUTERTE ANG SUWELDO NG MGA PULIS, HINDI NA TITINO ANG MGA SCALAWAG NA PARAK—Nahuli sa akto ng mga kapwa nila pulis sina Police Officers Mario Quebete ng Eastern Police District (EPD) at Anwar Nasser ng Pasay City Police na kinikikilan ang kanilang mga nahuling suspected drug pusher.

Patunay ‘yan na kahit dinoble na ni P-Duterte ang suweldo ng mga pulis ay hindi na talaga titino ang mga scalawag na parak, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page