top of page
Pokwang.jpg

Para sa panahon ng kalamidad — Digong | 30 EVACUATION CENTERS, APRUB

Mylene Alfonso
Mar 6, 2019
1 min read

APRUBADO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatayo ng mahigit 30 evacuation centers na gagamitin sa panahon ng kalamidad.

Ginawa ito ng pangulo sa ginanap na cabinet meeting nitong Lunes ng gabi.

Pangangasiwaan ng Housing and Urban Development Coordinating Council na nasa ilalim ng department of housing and urban development ang nabanggit na proyekto.

Layunin ng programa na magkaroon na ng mas matibay at matatag na evacuation centers para sa mga kababayan nating karaniwang tinatamaan at nabibiktima ng hagupit ng malalakas na bagyo sa bansa.

Makatutulong din umano ito upang hindi na nabubulabog pa at nasasalaula ang mga silid-aralan na karaniwang ginagamit na evacuation centers kapag may kalamidad sa bansa na nagreresulta rin para maantala ang mga klase ng mga bata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page