top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Palasyo umamin | NARCOLIST, RESULTA NG WIRE TAPPING NG IBANG BANSA

Mylene Alfonso
Mar 6, 2019
2 min read

INAMIN ng Palasyo na nagsasagawa ng wiretapping activities ang ilang banyagang bansa sa Pilipinas kaugnay sa mga hinihinalang kriminal.

Ginawa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pag-amin nang tanungin kung validated ang mga nasa narcolist ng gobyerno na pawang mga sangkot sa iligal na droga sa bansa.

Aniya, sa katunayan galing ang impormasyon sa wiretapping activities ng ibang bansa tulad ng Israel, U.S., Russia at China.

“Ang mga nagpo-provide sa atin mga… sa ibang bansa, eh. Ang magagaling d’yan Israel, magaling d’yan America, Russia, China. In other words, they provide us with the information. Kung tayo lang, eh, wala, kopong-kopong pa yata iyong mga instrumento natin, eh,” ayon kay Panelo.

Giit ni Panelo, ginagamit ito ng mga law enforcement agency bilang lead sa ginagawang imbestigasyon at entrapment operations dahil wala umanong kakayahan ang mga law enforcer sa bansa na magsagawa ng wiretapping at labag din ito sa batas.

“Alam po ninyo, tandaan ninyo iyong technology ngayon masyadong modern, madaling malaman — nakakapasok sa mga telepono ngayon ang surveillance, nalalaman ang pag-uusapan,” ani Panelo.

“Kaya mahirap ding tanggihan ‘pag sinabi ng law enforcement na kasama ka rito, meron kaming tape, meron kaming — at saka don’t forget also that there were thousands of surrenderees, these people are the one’s providing the law enforcement agencies of names of those involved kung sino ang nagbenta sa kanila, sino ang nagpu-push,” dagdag pa nito.

“Pati na iyong mga naaresto na nademanda, ang iba r’yan nagiging state witness, siyempre, magtututuro iyan. Kaya validated iyong nasa listahan na iyon,” ayon pa sa tagapagsalita.

Ikinatuwiran ni Panelo na wala itong masama at dapat pa ngang ipagpasalamat ang boluntaryong pamamahagi ng mga foreign government ng wiretapped information upang matiktikan ang mga sangkot sa criminal activities sa bansa.

Gayunman, aminado ang kalihim na hindi maaaring gamitin sa korte bilang ebidensiya ang mga impormasyon mula sa wiretapping dahil sa umiiral na batas laban dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page