Kelot niratrat ng 4
Levi Gonzales
Mar 6, 2019
1 min read

TODAS sa apat na armadong kalalakihan ang 37-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Bgy. San Francisco, Mabini, Batangas.
Ayon sa ulat, alas-11:10 ng umaga, sakay ng pribadong sasakyan ang biktimang si Marlon Datinguinoo, patungo sa National Road ng naturang bayan, nang harangan ang sasakyan nito.
Binuksan ng mga suspek ang pintuan ng sasakyan ng biktima saka pinagbabaril ito bago nagsitakas.
Inaalam na ang motibo sa naturang krimen.





Comments