top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kalahating milyong volunteers sa eleksiyon — PCRV

Madel Moratillo
Mar 6, 2019
1 min read

TARGET ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na makapagpakalat ng kalahating milyong volunteers sa buong bansa upang tumulong sa pagbabantay sa May 13 midterm polls.

Ayon kay PPCRV Board Member Dr. Arwin Serrano, mas mababa ang naturang bilang kumpara sa 800,000 volunteers na kinailangan nila noong 2016 polls.

Mas kaunti aniya ang kinakailangan nilang volunteers ngayon dahil mas kakaunti rin ang mga precinct center sa eleksiyon.

Nilinaw din nito na bagama’t, 500,000 volunteers ang kanilang target na makuha, 300,000 lamang ang kanilang ‘ideal minimum number of volunteers’ na itatalaga sa kanilang mga command center at sa mga polling precinct sa buong bansa.

Para aniya sa mga interesadong maging volunteer ng PPCRV, dapat nasa 18-taong gulang pataas, rehistradong botante; hindi kaanak ng sinumang nagsisilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) hanggang sa fourth degree of consanguinity at wala ring kaanak na kandidato sa isang partikular na distrito.

Ang PPCRV ang magsisilbing citizens arm ng Commission on Elections (Comelec) sa May 13 elections.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page